Dibalo

KASAYSAYAN NG BARANGAY DIBALO

Panahon ng liberasyon sa Bundok ng Sierra Madre sa Timog Silangang bahagi ng San Luis, ay may nangangaso na napadpad sa lugar na ito. Natuklasan nila na ang lugar na kung saan sila napadpad ay pwedeng gawing kaingin. Ito ay maaaring pagtaniman ng iba’t ibang uri ng halaman, sapagkat dito ay may masaganang tubig at sadyang mataba ang lupa. Hanggang isang araw, ay nagnais ang mga mangangaso na magkaingin sa lugar na kanilang napuntahan.

Sa kanilang sikap at tiyaga, nagkaroon sila ng kani-kanilang kaingin. Ang kagubatan ay kanilang nahawanan o napaunlad sa pamamagitan ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong kahoy at halaman. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting dumadayo ang mga kaingero sa lugar na ito.

Kung panahon ng tag-ulan ay hindi nakakababa sa kapatagan ang mga kaingero sa dahilang ang tubig kung panahon ng tag-ulan na nanggagaling sa mga sapa ay nagsisibagsakan at dumadaloy sa ilog dito. Kung kaya’t kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan ay nasasambit ng mga taong naninirahan dito ang katagang “Dibal Oho” na ang kahulugan ay lumalaki at lumalalim na naman ang tubig ilog. At sa pag lipas ng panahon ang lugar na ito ay tinawag na Dibalo hango sa salitang “Dibal Oho”.

Ang Dibalo ay naging isang ganap na barangay sa bisa ng Resolusyon Bilang 135 ng Provincial Board ng Lalawigan ng Quezon noong ika-24 ng Pebrero 1971.

DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)

TOTAL LAND AREA (Ha.) – 333.91
NO. OF HOUSEHOLDS – 237
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 168
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 7.92

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>