KASAYSAYAN NG BARANGAY DIBAYABAY
Ang Barangay Dibayabay ay matatagpuan sa baybaying dagat sa gawing Silangan ng bayan ng San Luis. Ang kahangganan nito ay ang mga sumusunod; sa gawing Hilaga ay ang bahagi ng Barangay Dibut at Barangay Dibalo, sa gawing Timog-Kanluran ay ang Barangay Dikapinisan, sa Hilagang Kanluran ay ang Barangay Real at sa gawing Silangan ay ang Dagat Pasipiko. Noong hindi pa ganap na Bayan ang San Luis, ito ay bahagi ng Barangay Zabali sakop ng Bayan ng Baler. At nang naging ganap ng Bayan ang San Luis ay naging bahagi ito ng Barangay Dibut. Bago pa nagdatingan ang mga tao noong 1952, ang unang tao na dinatnan dito ay ang Pastor at Hiñosa.
Noong Hunyo 1969, sa kasunduan ng ilang naninirahan dito at noon ay Kagawad Severino Marzan at G. Benito Arenaz ng P.A.C.D. pa lamang noon ay pinagpagsyahan na gawing barangay ito. Kaya noong Hunyo 1969, ang unang nanirahan dito ay ipinadala sa kapulungan ng Sangguniang Bayan ng San Luis, Lalawigan ng Aurora, Quezon. Sa ilalim ng Kapasyahan Blg. 19, taong 1971 sa pagpapasiya ng Kgg. Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa bisa ng Kapasiyahan Blg. 135 taong 1971, ang Dibayabay ay naging ganap na Barangay hiwalay na sa Barangay Dibut.
Sa pagtutuos ng Kgg. Anacleto Alcala Executive No. 09 na nagtatakda ng buwan at petsa ng halalan upang magtatag ng bagong pamunuan ng Barangay ay ang mga sumusunod: G. Wenceslao V. Agtuca, G. Farncisco Silva, G. Marcos Delos Santos, G. Florencio Glemao, at G. Rafael L. Mineses.
DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)
TOTAL LAND AREA (Ha.) – 1,939.87
NO. OF HOUSEHOLDS – 208
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 990
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 4.43



