Dikapinisan

KASAYSAYAN NG BARANGAY DIKAPINISAN

Ang Barangay Dikapinisan ay matatagpuan sa gawing Silangan ng Bayan ng San Luis. Ang mga kahangganan nito ay ang mga sumusunod: Barangay Real sa gawing hilaga, Barangay Dibayabay sa hilagang-silangan, Barangay Dimanayat sa gawing timog at L.Pimentel sa gawing kanluran. Ito ay may kabuuang sukat 8,187 hektarya. Walumpung porsyento nang kabuuang sukat ng Dikapinisan ay pawang kakahuyan.

Noong taong 1950, ang pook ay unang natuklasan ng mag-asawang Dumagat na nagngangalang Tungod at Simiona. Ang mga pundadores naman ay ang pamilyang Sabas, Celindro, Cisera, Badua, Valenzuela, Valdez at Piedad. Ang mga pangkaraniwang pagkain noon ay ang mga hayop sa gubat tulad ng baboy-ramo, usa, bayawak, musang at labuyo; mga lamang ugat tulad ng abukot, ilos at sikag; at mga bungangkahoy tulad ng malat, bulalla at balobo at iba pang lamang tubig gaya ng hipon, isda,suso at ulabas. Sa kasalukuyan bagamat nabawasan na ang bilang ay iyon pa rin ang nakasanayang kainin ng mga tao dito sa pangunguna ng mga dumagat.

Taong 1963 ng unang nagkaroon ng mababang Paaralan sa pangunguna ng kauna-unahang guro na si G. Munoz. Noong taong 1993 ng itatag din ang Dikapinisan National high school sa pamamagitan ng Punong Bayan Annabelle C. Tangson.

Naging ganap na barangay ang Dikapinisan noon taong 1963 at ang unang naging pinuno ay si Kapitan del Barrio Eugenio Celindro. Ang mga sumusunod na nanungkulan bilang Kapitan ng Barangay ay sina: Kgg. Paulino Piedad, Kgg. Vicente Dayson, Kgg. Arnel Valenzuela, Kgg. Iglecerio Borreo, Kgg. Arnel Valenzuela, Kgg. Carlito S. Amaba at ang kasalukuyan Punong Barangay, Kgg. Avelino R. Susa, Jr.

DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)

TOTAL LAND AREA (Ha.) – 8,187
NO. OF HOUSEHOLDS – 349
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 1,769
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 3.44

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>