KASAYSAYAN NG BARANGAY DIMANAYAT
Ang Barangay Dimanayat ayon sa mga matatandang katutubo ay hango mula sa salitang Dumagat, na nagsisimula sa “D”. Ito ang dahilan di umano kung bakit lahat halos ng Barangay sa baybaying dagat ay nagsisimula ang pangalan sa letrang “D” tulad ng Dibut, Dibayabay at Dikapinisan.
Ang mga naunang pamilya na nanirahan sa Barangay Dimanayat ay ang mga sumusunod; Hugo, Borreo, Florintino, Querijero, Turalba, Buna at Lumasac. Ang kauna-unahang nanungkulan bilang Kapitan ng barangay ay si Kgg. Paulo Hugo na sinundan nina Kgg. Marcelino Florintino, Kgg. Honorato Dangco, Kgg. Elenita Callao at sa ngayon ay si Kgg. Pedrito Arcilla.
Ang Barangay Dimanayat ay matatagpuan sa dulong Timog Silangan ng Bayan ng San Luis. May populasyong humigit kumulang sa Dalawang Libo. At may malawak na lupa na angkop sa agrikultura.
Ang Barangay Dimanayat ay mayroong mga pampamahalaang istraktura tulad ng Health Center, Brgy. Hall, Day Care at mga School Building.
Ang pangunahing pinagkukunan ng pansin ng pamunuan ng barangay ay ang palakasin ang livelihood program sa pamamagitan ng tulong pinansiyal at kaalamang teknikal sa agrikultura tulad ng sophisticatd and improvised charcoal making na nagmumula sa waste materials na coconut husk.
At sinikap na maibaling ang hanapbuhay ng mga mamamayan sa illegal na pagkakahoy tungo sa tamang agrikultura.
DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)
TOTAL LAND AREA (Ha.) – 8,141.22
NO. OF HOUSEHOLDS – 247
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 1,163
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 0.26



