KASAYSAYAN NG BARANGAY DITEKI
Taong 1930 may mag-asawa na nangangalang Lazam at Ariang Lazam na naninirahan sa tabing ilog ng Diteki na noon ay wala pang pangalan. Sila ay nabubuhay lamang sa pamamagitan ng pangangaso, pagtatanim ng kamote at panghuhuli ng iba pang mga hayop bilang pagkain. Tanging bahag at tapis ang saplot na natitira sa kanilang katawan. Si Ariang ay nakasuot ng tapis na ibabang parte lamang ng katawan lamang ang natatakpan.
Isang araw, palibhasa maaliwalas ang panahon, dahil sa sobrang init, kung kaya’t naisipan ni Ariang na hubarin ang kanyang tanging saplot sa kanyang katawan at siya ay naligo ng hubo’t hubad. Iniwan niya ang kanyang tapis sa tabing pampang at naisipan niyang magbabad sa ilog. Nasa gayon siyang kalagayan ng biglang may dumating na mangingisda. May sumigaw sa kanya ng “hoy ang titi mo takpan mo at nakikita ko”, at sa kanyang paglingon nakilala nila na siya pala ay di lalake kundi babae. Nagkatawanan ang mga ito ng sabay-sabay at nagsabi na “hindi titi kundi kiki”. Sa kauulit nila ay nabuo nila ang katagang Diteki na binigyan kahulugan na ang DI ay mula sa dumagat at sinunod nga ang TI sa pag-aakala na ito ay lalaki at tinapos sa KI sa dahilang ito pala ay babae. Kaya naipasiya nilang tawagin itong Diteki na mas maganda ang tunog kaysa sa DITITI O DIKIKI.
Simula noon marami na ang estrangherong pumunta sa lugar na ito dahilan sa gustong magkaroon ng lupang pagtataniman. Ang unang pamilyang nanirahan ay sina Timoteo Orpiano na nakilala sa tawag na “Paak”. Sinundan pa ito ng ilang lahi at sila rin ang nagbigkas ng tunay na pangalan ng lugar na DITEKI, hanggang ito ay naging sitio ng Bacong.
Lumipas ang panahon sa pagdami ng taong naninirahan dito kung kaya humiling sila na magbukas ng isang paaralan kahit unang baitang lamang hanggang ito ay maging Diteki Elementary School. At noong taong 1959 ito ay naging ganap na barangay mula sa tawag noon na barrio.
MGA TAONG NAMUNO:
1939-1942 - Kgg. Marcelino Biag – Tinyente del Auxiliar
1942-1945 - Kgg. Lazaro Miemban – Tinyente del Auxiliar
1946-1950 - Kgg. Fernando B. Carrasco – Tinyente del Auxiliar
1957-1958 - Kgg. Apolinario B. Fernandez – Tinyente del Auxiliar
1959-1960 - Kgg. Feliciano Olivar - Tinyente del Auxiliar
1960-1963 - Kgg. Cesario Mezona – Barrio Captain
1964-1968 - Kgg. Basilio Carpio – Barrio Captain
1968-1982 - Kgg. David Olivar – Barrio Captain
1982-1988 - Kgg. Emelito F. Carrasco – Barangay Captain
1989-2007 - Kgg. Pacito F. Licay - Barangay Captain
2007- 2010 - Kgg. Arsenia C. Licay – Punong Barangay
2010-kasalukuyan – Kgg. Maria Fe C. Rios – Punong Barangay
DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)
TOTAL LAND AREA (Ha.) – 22,939.90
NO. OF HOUSEHOLDS – 372
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 1,485
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 0.87




kung sino man ang may impormasyon kay Jordan Orobia kontakin lamang po ako sa e-mail address na kespiritu.bitr@gmail.com, may nakahanda pong pabuya