L. Pimentel

KASAYSAYAN NG BARANGAY L. PIMENTEL

Noon ang Bayan ng San Luis ay isang Barrio pa lamang na sakop ng Bayan ng Baler, ang lugar na Calisetan ay isang sitio na sakop ng Barrio ng San Luis. Na sa panahong iyon ang Calisetan ay isang kagubatan at bahagi ng Hacienda ng mga Quezon.

Sa panahong iyon, ang mga nakatira dito ay ang mga Ita, na pamilya ng mag-asawang Bano at Pina, at kanilang mga kamaganak.

Taong 1936, ang sitiong ito na bahagi ng Hacienda ay ipinamahagi ng yumaong Pangulong Quezon sa mga mamamayan sa Barrio ng San Luis, at dito’y nagsimula ang pagbubungkal ng lupa at paglilinang ng tao na naninirahan sa barrio San Luis sa mga lupa na ipinamahagi sa kanila.

Nang masakop ng Bansang Hapon ang Pilipinas, karamihan sa tao ay tumira sa mga bukirin, kung kaya’t dito na rin nagsimulang dumami ang naninirahan sa Sitio Calisetan. Ang mga sumunod na nanirahan dito ay nagsimulang nagtanim ng ibat-ibang uri ng pananim tulad ng niyog, saging, at iba pa.

Taong 1947-1948, sa pamamagitan ng matandang Melecio Garcia Agaton Badua at ang kanyang pamilya at iba pa, ay kanilang sinimulan ang paggawa ng kanal na daluyan ng tubig o irrigasyon para sa palayan.

Taong 1959, ang Barrio San Luis ay natatag bilang isang bayan, at kasabay nito ang Sitio Calisetan ay natatag din bilang isang Barangay , na sakop ang Sitio Real at ito ay pinangalanang Barangay L. Pimentel sa bayan ng San Luis, na hango sa pangalang Luis Pimentel na ama ng dating ama ng dating Mayor Pimentel.

Ang Barangay L. Pimentel ay napapagitanan ng mga ilog. Ang mga ilog na ito ay ang ilog Kalisetan sa gawing Silangan, ilog Diamot sa gawing Hilaga, ilog Kaunayan sa gawing Kanluran at sa gawing Timog ay ang kabundukan na matatagpuan ang pagitan ng barangay Dikapinisan. Halos sa gitnang bahagi ng barangay

DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)

TOTAL LAND AREA (Ha.) – 1,287
NO. OF HOUSEHOLDS – 195
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 880
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 6.71

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>