Nonong Sr.

KASAYSAYAN NG BARANGAY NONONG SR.

Noong taong1926, nagpasukat si G. Manuel Luis Quezon sa Survey Team ng Baler, Cadastry No. 185 sa Pook Disalet, Bayan ng Baler, Lalawigan ng Tayabas. Ang Disalet ay sapa na nakasanga sa ilog ng San Luis gawing kanluran ng Bayan ng Baler, Tayabas. Nang maipasukat ni G. Manuel Luis Quezon ang nasabing lupain sa pagbabalik ng agrimaensor (taga-Maynila), naikwento kay G. Manuel Luis Quezon na ang sapang lupaing ipinasukat ni Quezon. Naikwento pa rin ng mga agrimensor na ang pinakamalamig na tubig kahit sa lahat ng naabot ng pagsusukat ng bayan.
.
Kaya noong 1929, naisipan ni G. Manuel Luis Quezon na magpabukas ng gagawing kaingin na pinamunuan ni G. Tomas Ranillo, mga Baluga at Ilongot ang mga magkakaingin. Ang karaniwang pinutol na puno ay tinawag na Tan-ag, palibhasa ang lugar na ito ay wala pang pangalan kaya ito ay tinawag na Sitio Tan-ag mula sa pangalan ng kahoy.

Sa paglakad ng panahon, dumarami ng dumarami ang mga taong naninirahan dito. ang namuno noon na Tinyente del Baryo ay si G. Ruperto España (itinalaga), at nagkaisa sila na ipasok sa Hunta Municipal na maging ganap na Barangy Nonong Sr., hango sa pangalan o palayaw ni Manuel Luis Quezon noong maliit pa siya. At ang Friginal, G. Amando Aragon, G. Norberto Anasan, G. Feliciano Fajardo at ang kalihim ay si Gng. Isadora Chan, at ang ingat yaman ay si G. Valeriano Leones.

Sa panahon iyon ang Sitio Tan-ag ay naging Nonong Sr., Lalawigan ng Aurora, Quezon. At noong 1962 ay naging lubos na Bayan ang San Luis, lalawigan ng Quezon (Sub-Province ng Aurora).

Sa mga sumunod na panahon, sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Nonong Sr. ay mga naging kapitan nito ay sina: Kgg. Juanito Resueño (isang termino), Kgg. Renato Calvelo (isang termino), Kgg. Marcelino Lomboy (isang termino), Kgg. Agapito Solestre (dalawang termino), Kgg. Joel Avendaño (talong termino), Kgg. Enrily V. Senoja (isang termino)at ang kasalukuyang namumuno bilang Punong Barangay ay si Kgg. Elmer R. Belen, Sr.

DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)

TOTAL LAND AREA (Ha.) – 1,400.61
NO. OF HOUSEHOLDS – 760
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 3,643
AVERAGE GROWTH RATE(%) – -0.05

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>