KASAYSAYAN NG BARANGAY 03 POBLACION
Ang Barangay 03 ay isa sa mga barangay ng Poblasyon ng San Luis, Aurora na naitalaga bilang ganap na barangay noong ika-19 ng Setyembre, 1972 sa pamamagitan ng Pres. Decree No. 86 sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ang lahat ng mga nanungkulan sa panahong ito ay pawang hinirang.
Ang Barangay 03 San Luis, Aurora ay may lawak na Labing Limang Hektarya. Ang kahangganan ay ang mga sumusunod: Silangan: Brgy. 01, Timog Silangan: Brgy. 02, Timog Kanluran: Brgy. 04, Kanluran at Hilaga: Brgy. San Jose at ito ay may kabuuang populasyon na 700.
Mas nakakahigit sa barangay na ito ay mga lupaing residente kaysa pang-agrikultura. Matatagpuan din dito ang Seventh Day Adventist Church, Our Lady of Consolacion Learning Center at bahagi ng San Luis Central School.
Bagama’t kakaunti ang porsiyento ng lupaing pag-agrikultura sa lugar na ito karamihan dito ay nabubuhay sa pagsasaka, pag-aalaga ng hayop at pag-eempleyo.
Ang mga namumuno dito ay ang mga sumusunod:
Kgg. Honorata Y. de Leon
Kgg. Felicito Pimentel
Kgg. Virgilio B. Donato- 1989-1997
Kgg. Marites B. Lariosa- 1997-2010
Kgg. Emerlita Amazona – 2010-kasalukuyan
DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)
TOTAL LAND AREA (Ha.) – 12.56
NO. OF HOUSEHOLDS – 135
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 626
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 3.02



