Poblacion 4

KASAYSAYAN NG BARANGAY  04 POBLACION

Ang Barangay Poblacion 04 ay isa sa bahagi ng Poblasyon sa Bayan ng San Luis, at naitalaga bilang isang Barangay noong taong 1972, sa pamamagitan ng isang Presidential Decree No. 86 sa panahon ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos, at ang lahat ng nanunungkulan ng panahong iyon, lalo’t higit sa Barangay ay pawang hinirang. Ito ay matatagpuan sa gawing kanluran ng Bahay Pamahalaan ng Bayan ng San Luis, Aurora. Ang mga kahangganan nito ay ang mga sumusunod: sa silangan ay Disalet Creek Barangay 02, sa Hilaga ay Disalet Creek Barangay 03, sa Timog ay Barangay Real at sa kanluran ay Barangay Nonong Sr.

Pasimula noong taong 1948 hanggang 1988 ay mayroong kampo o Headquarters ng Philippines Constabulary na nakabase sa lupang  pag-aari ng  yumaong nadistinong opisyal ng sandatahang lakas, ay nagkaruon ng mahusay na paliguan, sa katunayan ang dating pangulo ng bansa na sa panahong iyon ay naligo sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan ay matatagpuan ang simbahang Katoliko, Mataas na Paaralan ng Mount Carmel at ang Tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA).

Sa paglipas ng mga taon ay nasaksihan sa pakikiisa at pakikipagtulungan at ng mga mamamayan ng Barangay ay natamo ang tagumpay at katahimikan.

DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)

TOTAL LAND AREA (Ha.) – 34.95
NO. OF HOUSEHOLDS – 237
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 1,076
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 0.37

BARANGAY OFFICIALS

KGG. NORBERTO S. AGUILAR SR. – Punong Barangay
KGG. SIMEON N. ZABAT – Kagawad
KGG. BRUNO G. TANIZA - Kagawad
KGG. LYDIA C. RITUAL - Kagawad
KGG. SIMEON E. JANORAS, JR. – Kagawad
KGG. IRENE M. AGANON - Kagawad
KGG. ALVIN A. ALLAN - Kagawad
KGG. REYNER B. BIHASA - Kagawad
KGG. DENN HARRIS S. BAUTISTA - SK Chairman
MONTANO A. OROZCO - Kalihim
MYRA C. CUENTO - Ingat-yaman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>