KASAYSAYAN NG BARANGAY REAL
Taong 1966 ang Barangay Real isang malawak na kagubatan pa lamang, may maliit at malinis na ilog wala ni isa mang bahay o pamilya na ditto ay naninirahan.
Oktubre 4, 1926, ang mag asawang Irenio Gonzales at Basilisa Bihasa ay dito nanirahan hanggang sa ang mga tao ay dumami at nanirahan upang magbukid at hanggang ito ay naging isang sitio ng Barangay L. Pimentel.
Buwan ng Enero ika-31 taong 1971 ay nagkaroon ng isang Resolusyon Petisyon na may bilang 135 upang ang Sitio Real ay maging isang ganap na Barrangay.
Inaprubahan at pinahintulutang maging isang ganap na Barangay ang sitio noong ika-24 ng Pebrero ng taong ding iyon.
Naging pansamantalang Kapitan del Baryo noong 1971 si G. Pedro Friginal taong 1971 din nagkaroon din nagkaroon ng halalan at nahalal bilang kapitan si G. Anselmo Marzan. Nagkaroon ng hangganan ang bawat karatig na Barangay sa panguguna ng Pamahalaang Bayan ng San Luis, ang mga ito ay ang Barangay Dibalo sa gawing Silangan, Barangay 04 at bahagi ng Barangay 02 sa gawing Hilga, bahagi ng Barangay Zarah sa Hilagang-Silangan, Barangay L. Pimentel sa gawing Timog-Silangan at Barangay Dikapinisan sa Timog-Kanluran.
Taong 1994, nagkaruon ng halalan at nanalo bilang punong Barangay si G. Moises P. Rafael, at taong 1997 ay nahalal bilang Punong Barangay si G. Arnaldo C. Ruidera. Taong 2002 naman ng mahalal si G. Mario M. España bilang Punong Barangay at taong 2010 hanggang sa kasalukuyan, ang barangay ay pinamumunuan ni Kgg. Rodolfo T. Marzan hanggang sa kasalukuyan.
DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)
TOTAL LAND AREA (Ha.) – 2,553.72
NO. OF HOUSEHOLDS – 214
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 1,044
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 1.16



