KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN ISIDRO
Ang Bayan ng San Luis ay mayroong labing walong (18) barangay at isa na rito ang San Isidro na ang tawag noon ay “Villa Carmen” at hindi pa isang ganap na Barangay. Tinawag itong Villa Carmen dahil dito nagkampo si G. Bendoy Villa Carmen na ang hanapbuhay ay pamumutol ng kahoy (logging) taon 1959.
Ang San Isidro ay dating sitio ng Barangay Bacong na ngayon ay nasa gawing kanluran nito, humigit kumulang isang kilometro ang layo ng nasabing pook.
Makalipas ang ilang panahon at sa pamamagitan ng dating Alkalde Cesario A. Pimentel ay naging ganap na barrio ito kaalinsaby sa pagiging bayan ng San Luis noong ika-29 ng Hunyo, 1959. Ang unang naging hirang na Tinyente del Barrio noon ay si G. Domingo Nardo. Sila ang nagpangalan sa Barangay na ito. Ang pangalang “San Isidro” ay hinango sa isang Santo na isang Manggagawa at Magsasaka dahilan na rin sa ito ang pangunahing trabaho ng mga taga-rito.
Simula noong 1959-2011 ay nagkaroon na ng labing isang (14) kapitan na namuno; lima (5) ang hirang at walo (9) ang halal. Sa kasalukuyan ang namumuno ay si Punong Barangay Angelito L. Encarnado.
Ang San Isidro ay nasa gawing Hilaga ng Bayan ng San Luis, Aurora. Ang mga karatig Barangay nito ay Barangay Bacong at San Jose sa gawing Silangan, Barangay Dikildit, Maria Aurora, Aurora sa gawing Kanluran, Barangay Calabuanan, Baler, Aurora sa hilagang-silangan, at Barangay Nonong Sr. at bahagi ng Barangay Ditumabo sa gawing timog. Ang barangay na ito ay may binubuong tatlong creek; ang Dimanibong Creek, Gumapak Creek at Balitwak Creek. Ang paliparang panghimpapawid (airport) ay dito nakalagay at ang sub-station ng AURELCO na sumusuporta sa power ng kuryente sa apat na magkaratig na barangay.
DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)
TOTAL LAND AREA (Ha.) – 726.00
NO. OF HOUSEHOLDS – 395
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 1,747
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 2.51



