KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN JOSE
Ang Barangay ng San Jose ay matatagpuan sa gawing hilagang-kanluran ng Poblacion ng bayan ng San Luis. Ang mga kahangganan nito ay ang mga sumusunod: Barangay Zarah sa gawing silangan, Barangay San Isidro sa gawing kanluran, Barangay Bacong sa gawing Hilaga at Barangay 03 sa gawing timog.
Ang Barangay San Jose noon ay dating Sitio Tabog na noon ay sakop ng Zarah. Sa pamamagitan ng kahilingan ng mga naninirahan sa pook na ito ay naipadala sa kapulungan ng Sanggunian Bayan ng San Luis ang kahilingan na maging isang ganap na barangay ang San Jose. Ang pook na ito ay naihiwalay sa Nayon ng Bacong at Zarah sa pamamagitan ng Kapasiyahan Bilang 19 ng Sangguniang Bayan ng San Luis noong taong 1971.
Sa pag-uutos ng noon ay Punong Lalawigan ng Quezon, Kgg. Anacleto Alcala ay nailabas ang Executive Order No. 2 na nagtatakda ng buwan at petsa ng halalan upang magtatag ng bagong pamunuan. At noong Abril 13,1971, araw ng Sabado ay nagdaos ng isang Special Election at ang nahalal na unang Punong Barangay ng San Jose ay si Kgg. Cornelio T. Querijero.
DEMOGRAPHIC PROFILE
(NSO Survey 2007)
TOTAL LAND AREA (Ha.) – 264.38
NO. OF HOUSEHOLDS – 85
TOTAL POPULATION(NSO2007)- 425
AVERAGE GROWTH RATE(%) – 0.67



